MEMBER # : 08-44-03
PLACE :CALAWAG, TAYTAY, PALAWAN
LOAN CYCLE : 5TH INDIVIDUAL LOAN
Dating naglalako ng gulay sa pamilihang pambarangay ng Calawag si Aling Nida Arizala at magsasaka naman angkanyang mister ng pumasok ang opprtunidad ng pagpautang ng puhunan na dala ng Proyekto Dungganon sa kanilang lugar noong March,2005. Dahil sa kagustuhan na madagdagan ang puhunan o capital nagkainteres si Aling Nida na sumali sa Proyekto Dungganon. Agad syang naghanap ng magiging kasama sa grupo at sumalang sa pagseminar upang alamin ang kabuohan ng patakaran at polisiya ng pagpautang ng Proyekto Dungganon at upang ganap na maging myembro ng proyekto. Kasagsagan noon ng kanilang pagseminar (CGT)ng may masamang nangyari sa pamilya ni Aling Nida, namatay ang kanyang mister dahil sa sakit,naiwan sa solong pangangalaga ni Aling Nida ang kanyang limang (5) anak. Dahil sa nangyaring trahedya, nawalan sya ng katuwang or kaagapay sa buhay na lubos na nagpahirap sa kanya. Kailangan nya ngayon na lalong magsumikap at doblehin ang kayod para lamang maitaguyod ang kanyang limang anak. Kahit na ganun ang nangyari hindi nawalan ng pag-asa si Aling Nida na balang araw makakaahon din siya sa kahirapan. Mas lalo syang nag pursige at nag sumikap sa buhay at isa sa nakikita nyang paraan para maabot ang minimithi ay ang makasali sa Proyekto Dungganon ng sa ganun madagdagan ang kanyang puhunan kaya pagkatapos na maidaos ang libing at lamay ng kanyang mister ipinagpatuloy nya ang pag seminar sa ProyektoDungganon at kanya din naman itong natapos at matagumpay na naipasa kasama ang kanyang grupo.
Abril,2005 ng matanggap na Aling Nida ang kanyang unang nahiram sa Proyekto Dungganon sa halagang limang libong piso (P5,000.00. Agad nya itong pinamili ng kanyang panindang gulay,kanya pa itong dinagdagan ng karagdagang panindang bigas at uling. Natapos nyang bayaran ang kanyang utang sa loob lamang ng tatlong buwan agad din naman syang nag reloan hanggang sa umabot sya ng 6th cycle at na avail nya ang halagang dalawamput tatlong libong piso bilang kanyang loan, kanya itong ginamit sa pagpatayo ng maliit na grocery bilang karagdagang negosyo, sa panahon ding ito nagkaroon ng pangalawang asawa si Aling Nida at nabiyayaan sila ng isang anak. Ang bagong asawa ni Aling Nida ang kanyang naging katuwang sa pagpapalago ng kanyang bagong pundar na negosyo. Matapos ang tatlong buwan agad nabayaran ni Aling Nida ang kanyang loan at nag apply ng Individual Loan. Na release ang unang Individual Loan ni Aling Nida sa halagang Apatnapong Libong Piso (P40,000.00), binili nya agad itong generator sa halagang Dalawamput Tatlong Libong Piso (P23,000.00) at ang sobra kanya itong idinagdag sa kanyang grocery,makalipas ang tatlong buwan kanya itong nabayaran at muling nag avail ng Animnapong Libong Piso (P60,000.00) bumili syang dalawang freezer na gagamitin sa kanyang negosyo at ang sobra pinangdagdag nya sa kanyang grocery at nagpatayo sya ng maliit na bodega para sa stocks nyang uling at bigas. Makalipas ang tatlong buwan muli syang nag avail ng kanyang pangatlong Individual Loan sa halagang Walumpong Libong Piso (P80,000.00) binayaran nya ito ng syam na buwan, bumili sya ng TV para sa kanyang pamilya at isang set ng dream satellite at ang sobra kanyang dinagdag sa kanyang grocery,dinagdagan nya ang stocks nya na bigas at uling. Dalawang beses syang nag avail ng Walumpong Libong Piso at ang panghuling loan nya ngayon ay binabaan nya sa halagang Apatnaputsyam na Libo at Limang Daan (P49,500.00) at nag avail sya ng special loan na nagkakahalaga ng Sampung Libong Piso (P10,000.00)sa loan na ito nakabili sya ng karagdagang puwesto sa palengke ng barangay na nagkakahalaga ng Dalawampong Libong Peso (P20,000.00) na kanyang gagamitin sa kanyang planong pag expand ng kanyang negosyo. Ngayong darating na Marso,2009 matatapos na ni Ate Nida na bayaran ang kanyang panglimang Individual Loan plano nyang mag avail ng halagang Isangdaan at dalawampong Libong Piso(P120,000.00) balak nyang magtayo ng maliit na hardaware at lalo pang dagdagan ang kanyang stocks sa kanyang grocery. Sa ngayon umabot na sa Apatnaraang Libong Piso (P400,000.00) ang halaga ng imbemtaryo ng kanyang grocery.Malaki ang paniniwala ni Ate Nida Arizala na lalo pa nyang mapa unlad at mapalago ang kanilang kabuhayan sa pamagitan ng kanilang pagsisikap at pagtutulungan na mag anak. Ayon sa kanya ang kanyang sikreto disiplina at bilib sa sarili at paniniwala sa kakayanan na kayang pag tagumpayan ang lahat ng bagay basta may pagsisikap at pagpupursige at higit sa lahat huwag kalimutang humingi ng tulong at gabay sa mahal na ma lumikha at pasasalamat sa mga pagpapalang nakamtan. SALAMAT SA PROYEKTO DUNGGANON nagkaroon ng katuparan ang aking nooy pangarap lamang!
No comments:
Post a Comment